click box for more qoutes

Wednesday, March 18, 2009

ikaw pa rin..

more than two weeks na ang nakalipas simula nung nag hiwalay tayo.. eto, araw araw kita ini-isip, araw araw din ako umiiyak.. pag ka-gising ko sa umaga ikaw kaagad ang nasa isip ko kasabay ng mabilis at malalalim na tibok ng puso ko at pag patak ng luha ko..
every morning, i tried to stop myself from thinking of you dahil para akong malulunod sa bilis ng paghinga ko at malalalim na tibok ng puso ko, pero napakahina ko para i-control ang sarili ko.. nangingibabaw ang nararamdaman ko.
everytime i go out off my bed, cellphone ko kaagad ang una kong dinadampot. nagbabaka-sakaling nag-text ka o tumawag ka.. kapag wala akong nakitang name mo sa text messages ko mag uumpisa na akong umupo sa isang sulok, titingin sa malayo at mag-iisip..
hanggang kelan ba ako magiging ganito.. hanggang kelan ka mananatili sa puso ko.. i thought i am ready to forget you but i am wrong. hindi ko pala kaya. hindi ko kayang i-accept ang mga nangyari. traumatic lahat ng ito para sa akin. i know it's my fault kaya nawala ka sa akin. kung hindi ko tinest ang love mo sa akin, hindi ka sana mawawala sa akin mahal ko. i am sorry if nawala ang tiwala ko sa iyo. at sana paniwalaan mo naman ako na pinagsisisihan ko lahat ng nagawa kong mali.. palagi kong sinasabi sa iyo yan ngunit nararamdaman ko pa rin ang galit mo sa akin. naiintindihan kong may mahal ka nang iba at nasa kanya na ang attention mo. alam kong masaya ka sa kanya at naniniwala ako sa sinabi mong iingatan mo ang relasyon ninyong dalawa. rinerespeto ko relasyon ninyo. at ito ang pinaka masakit sa akin.. ang piliting tanggapin na may mahal ka nang iba. ang makita kang masaya sa kanya.. ang malaman kong gumagawa ka nang efforts para sa kanya.. masakit lahat sherryl, sobrang sakit..
marami na ang nag-a-advice sa akin na"go on with your life", "don't go into depression coz its not worth it", "God gave you this coz He has a better plan for you", "Marami pang iba jan na mas deserving", at iba pa, pinipilit kong isaksak sa isipan ko ang lahat nang mga iyon ngunit hindi ko magawa dahil mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa iyo at ang kagustuhan kong manatili ka sa puso ko..
gulong-gulo na ang isipan ko.. hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.. marami na ako pangarap sa ating dalawa at gusto ko pa rin ituloy iyong mga iyon.. ngunit wala ka na at walang kasiguraduhan na magbabalik ka pa sa akin..
Lord, i know hindi po tama itong nararamdaman ko dahil mali na mag-mahal ako nang isang babae.. ngunit sa kanya lang po ako masaya at desidido po ako na siya ang gusto ko makasama habang buhay.. ayoko pong may sumunod pa sa kanyang iba dahil nakalaan na po talaga sa kanya ang pag ibig ko.. mahirap po para sa akin na tanggapin ang lahat.. but i will leave this to you oh Lord.. Kayo na po ang bahala sa akin..

No comments:

Post a Comment