-=March 20, 2009=-
simula nung araw na nawala ka sa akin,
etong araw lang na ito ang pinaka masaya..
ka-ka-uwi ko nang bahay, binasa ko text mo,
sabi mo "nasa angel site ako(internet shop)"..
natuwa ako, dahil alam kong kailangan mo ako..
walang alinlangan na pinuntahan kita kaagad..
masaya ako nung nakita kita,
ngunit hindi ko alam kung paanong approach ba ang gagawin ko,
hahalikan ba kita? o yayakapin? o babatiin lang ng "o musta?"..
dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko, tinabihan lang kita at nginitian..
nakita ko na malungkot ka habang nag se-surf sa net..
tinanong ko "oh bakit? magka-galit ba kayo?"
kinuwento mo sa akin kung paano kayo nag ka-tampuhan..
nakinig ako sa kwento mo kahit may kirot sa puso ko..
masakit sa dahilan na nakita kong nasasaktan ka sa kanya..
mahal mo nga siya..
natuwa rin ako dahil baka eto na ang hinihintay kong pagbabalik mo sa akin..
kumain tayo sa ice cream house habang nag-kwekwentuhan..
masaya tayo tulad nang dati.. parang naging akin kang muli..
naka-sama ko ulit ang dating sherryl na nakilala ko..
masaya ako dahil napa-saya kitang muli..
nag tagal tayo nang mga ilang oras dun,
at sa totoo lang kulang pa ang mga sandaling yun..
umuwi ako nang bahay na masaya at nananabik sa pag balik mo..
tinext mo ko na naging masaya ka rin sa akin at nagpasalamat ka..
alam ko naman na kayo pa rin ng boyfriend mo at mahal mo pa siya,
pero ang mga nangyari sa sandaling naka-sama kita sa ice cream house ay kakaiba..
naramdaman kong na-miss mo rin ako at mahal mo pa rin ako..
sana ganito tayo parati; masaya na puno ng pagmamahalan..
sana maibalik na ang dati.. ang dating lovers na si bubu and chacha..